" ISANG DIPANG LANGIT"
JALEL B. TOMARA BSCRIM-2B September: 14 "Isang Dipang Langit" Ako’y ipiniit ng linsil na puno hangad palibhasang diwa ko’y piitin,katawang marupok, aniya’y pagsuko,damdami’y supil na’t mithiin ay supil. Ikinulong ako sa kutang malupit:bato, bakal, punlo, balasik ng bantay;lubos na tiwalag sa buong daigdig at inaring kahit buhay man ay patay. Sa munting dungawan, tanging abot-malas ay sandipang langit na puno ng luha,maramot na birang ng pusong may sugat,watawat ng aking pagkapariwara. Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod,sa pintong may susi’t walang makalapit;sigaw ng bilanggo sa katabing moog,anaki’y atungal ng hayop sa yungib. Ang maghapo’...