" ISANG DIPANG LANGIT"

JALEL B. TOMARA BSCRIM-2B

 
September: 14

                  "Isang Dipang Langit"

Ako’y ipiniit ng linsil na puno hangad palibhasang diwa ko’y piitin,katawang marupok, aniya’y pagsuko,damdami’y supil na’t mithiin ay supil.

         

          Ikinulong ako sa kutang malupit:bato, bakal, punlo, balasik ng bantay;lubos na tiwalag sa buong daigdig at inaring kahit buhay man ay patay.

          

         Sa munting dungawan, tanging abot-malas ay sandipang langit na puno ng luha,maramot na birang ng pusong may sugat,watawat ng aking pagkapariwara.

         

         Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod,sa pintong may susi’t walang makalapit;sigaw ng bilanggo sa katabing moog,anaki’y atungal ng hayop sa yungib.

        

         Ang maghapo’y tila isang tanikala na kala-kaladkad ng paang madugo ang buong magdamag ay kulambong luksa ng kabaong waring lungga ng bilanggo.

         

         Kung minsa’y magdaan ang payak na yabag,kawil ng kadena ang kumakalanding;sa maputlang araw saglit ibibilad,sanlibong aninong iniluwa ng dilim.

         

         Kung minsan, ang gabi’y biglang magulantang sa hudyat – may takas! – at asod ng punlo;kung minsa’y tumangis ang lumang batingaw,sa bitayang moog, may naghihingalo.

         

          At ito ang tanging daigdig ko ngayon –bilangguang mandi’y libingan ng buhay;sampu, dalawampu, at lahat ng taonng buong buhay ko’y dito mapipigtal.

          

          Nguni’t yaring diwa’y walang takot-hirap at batis pa rin itong aking puso:piita’y bahagi ng pakikilamas,mapiit ay tanda ng di pagsuko.

         

         Ang tao’t Bathala ay di natutulog at di habang araw ang api ay api,tanang paniniil ay may pagtutuos,habang may Bastilya’y may bayang gaganti.

         

         At bukas, diyan din, aking matatanaw sa sandipang langit na wala nang luha,sisikat ang gintong araw ng tagumpay…layang sasalubong ako sa paglaya!


IKALAWANG GAWAIN!




Mungkahing Gawain


Gumawa ng blog sa ‘blogspot.com’ o ibang blog sites at ilagay ang mga hinihingi sa ibaba:

1.)Basahin at suriin ang mensahe ng tulang “Isang Dipang Langit” ni Amado V. Hernandez.


-Suriin kung anong uri ng tula?


Sagot=  ITO AY TULANG PAGSASALAYSAY.


-Anong Teoryang pampanitikan ang angkop gamitin sa pagsusuri?

Sagot=Ang angkop gamitin sa pagsusuri ay Ang Teoryang Bayograpikal sapagkat inilalahad ng may akda ang naging karanasan nito sa loob ng bilangguan.


-Anong taglay na diwa/tema ang inilalarawan ng persona sa tula.


Sagot=Ang tema ng tula ay patungkol sa hindi makatao o Makatarungan trato sa mga bilanggo sa loob ng bilangguan na tila sila ay isang buhay na patay sa kadahilanang walang kalayaan at hirap na kanilang dinaranas sa loob ng bilangguan.


-Piliin ang pinakamagandang saknong na iyong nagustuhan at bigyan kung bakit mo ito napili.


Sagot=Ang tao’t Bathala ay di natutulogat di habang araw ang api ay api,tanang paniniil ay may pagtutuos,habang may Bastilya’y may bayang gaganti. Sapagkat ang Bathala/ panginoon ay nanood mula sa malayo/langit at alam nito ang anumang mangyayari sangkatauhan at tanging pananalig lang sa maykapal ang kailangan at anomang paghihirap o pagsubok na ating kinakaharap sa buhay may panibagong buksang naghihintay.


2.)Ipakilala ninyo sa akin si Amado V. Hernandez sa loob ng 50 na salita. 

Sagot=Siya ay sipping Nina Juan Hernandez at cara vera na isinilang noong 13 setyembre 1903 at lumaki sa tondo Maynila na kalaunan ay napangasawa niya si Honorada "Atang" Dela rama Siya ay hinirang na pambansang alagad ng sining sa Panitikang noong 1973. Mas kilala siya bilang ka Amado sakanyang kaibigan at kasama sa kilusang paggawa kinilala siya dahil sa mga akdang makabayan at nakikisangkot sa mga problemang Panlipunan at dahil sa kaniyang totoong paglahok sa organisasyong pampolitikasyon siya ay nagsulat ng isang tula pinamagatang "isang Dipang Langit" na noong  kinalaunan ay nakilala.



3.) Gawing maikling kuwento ang tulang “Isang Dipang Langit” ni Amado Hernandez.


- Ang maikling kuwento ay halaw sa Isang Dipang Langit.


sagot= ISANG DIPANG LANGIT


Ni: Amado V. Hernadez


Si Ernesto.

             Ni: Jalel B. Tomara 

                          



Bata pa lamang si Ernesto ay nakitaan na ng hilig sa pagsusulat, dahil sa pagiging Makabayan nito at pontensyal na meron siya, siya ay nakilala at naging tanyag sa larangan ng Sining Pampanitikan. Dahil sa mga akda nitong patungkol sa Bayan o pagiging Makabayan at nakikisangkot sa problemang panlipunan siya ay napagbintangan at piniit sa kadahilanang siya ay nag taksil sakanyang sariling bayan.

Sa pagkakapiit ni Ernesto sa bilangguan naranasan niya ang buhay na ni minsan hindi niya naranasan sa tanang buhay niya, napagtanto nito na ang buhay bilanggo ay tila parang buhay na patay. Isang araw habang siya ay Naka upo sa selda siya ay dumungaw upang pagmasdan ang langit, siya napaiyak sa sobrang kalungkutan at sumagi sakanyang isipan na tuloyan na siyang tinalikuran na kanyang bayang minamahal at pinagsisilbihan. Sakanyang pamamalagi sa bilangguan nasaksihan ni Ernesto ang hindi makataong trato sakanyang mga kasamaan na tila ba mga mababangis na hayop na ikinulong at pinarurusahan. Isang Gabi nagulantang ito sa ingay na umalingawngaw bumangon ito upang alamin kung ano ito, ito palay hudyat na may takas, habang siya ay nakatayo sakanyang selda nasaksihan nito mismo ang pag-aagaw buhay ng kanyang kasamaan hanggang sa ito ay bawian ng buhay. Sa tagal na pamamalagi ni Ernesto sa bilangguan napagtanto nito na tila ito na ang bagong mundong kanyang kinabibilangan sapagkat dito na yata siya mamatay. Habang siya nakaupo siya ay nag wika na " Ang Diyos ay Hindi Natutulog" "Hindi lahat ng api ay api" na ang ibig sabihin ay alam ng diyos ang lahat ng nangyayari sa sangkatauhan at may hangganan ang hirap ng kanyang dinaranas. Dumating narin sa wakas ang araw na kanyang inaasam-asam ito ay ang araw ng kanyang paglaya napaluha ito sa sobrang sayang sapagkat alam niya na sakanyang paglaya may panibagong bukas ang naghihintay.




Comments

Popular posts from this blog

Ang Pagiging Bakla ay Pagkabayubay rin sa Krus ng Kalbaryo

BABAE KA.